15 Ganyan nagmula sa kamay ng Lumikha ang lahat ng bagay:magkakatambal, ang isang bagay ay kabaligtaran ng ikalawa.
16 Ako ang kahuli-hulihang namitas ng ubas,wari'y namulot lamang ako pagkaraan ng mamimitas.Ngunit sa awa ng Panginoon, marami pa rin akong nakuha,at napuno ko pa rin ang aking mga pisaan, gaya ng mga naunang namitas.
17 Alalahanin ninyong ito'y hindi ko ginawa para sa aking sarili lamang,kundi alang-alang sa lahat ng naghahangad matuto ng mabuting aral.
18 Kaya makinig kayo, mga pinuno ng bayan,kayo, mga namamahala sa kapulungan, pag-isipan ninyo ito.
19 Habang ikaw ay nabubuhay pa dito sa daigdig,huwag mong ipagkatiwala ang buhay mo kaninuman, maging sa asawa, anak, o kaibigan.At huwag mo ring ipamigay na lahat ang iyong ari-arian.Baka ka magsisi at mapilitang magmakaawa sa ari-ariang iyong ibinigay.
20 Habang ikaw ay may hininga,huwag mong ipailalim ang buhay mo sa iba.
21 Mas mabuti na ang mga anak mo ang humingi sa iyo,kaysa ikaw ang magmakaawa sa kanila.