20 Habang ikaw ay may hininga,huwag mong ipailalim ang buhay mo sa iba.
21 Mas mabuti na ang mga anak mo ang humingi sa iyo,kaysa ikaw ang magmakaawa sa kanila.
22 Magsikap ka sa lahat mong kabuhayan,at huwag mong dudungisan ang iyong karangalan.
23 At sa wakas ng iyong buhay, kapag ika'y naghihingalo na,saka mo ipamana ang lahat mong ari-arian.
24 Ang asno'y dapat bigyan ng kumpay, karga, at latigo;ang alipin nama'y dapat bigyan ng pagkain, disiplina at trabaho.
25 Pagawain mo nang husto ang iyong alipin upang matahimik ang loob mo;kapag siya'y walang gawain, malamang na makaisip ng paglaya.
26 Singkaw at pamatok ang pampasuko sa toro;parusa ng berdugo ang pansupil sa masamang alipin.