24 Ang asno'y dapat bigyan ng kumpay, karga, at latigo;ang alipin nama'y dapat bigyan ng pagkain, disiplina at trabaho.
25 Pagawain mo nang husto ang iyong alipin upang matahimik ang loob mo;kapag siya'y walang gawain, malamang na makaisip ng paglaya.
26 Singkaw at pamatok ang pampasuko sa toro;parusa ng berdugo ang pansupil sa masamang alipin.
27 Pamalagiin mo siyang abala sa gawain;sapagkat ang walang ginagawa ay nakakaisip ng masama.
28 Pagtrabahuhin mo siya, doon siya nakatalaga,at kung hindi sumunod, tanikalaan mo siya.
29 Ngunit huwag kang magmamalabis kaninuman,at huwag gagawa ng anumang labag sa katarungan.
30 Kung mayroon kang alipin, mahalin mo siyang gaya ng iyong sarili,sapagkat pinaghirapan mo ang salaping ibinili sa kanya.