26 Singkaw at pamatok ang pampasuko sa toro;parusa ng berdugo ang pansupil sa masamang alipin.
27 Pamalagiin mo siyang abala sa gawain;sapagkat ang walang ginagawa ay nakakaisip ng masama.
28 Pagtrabahuhin mo siya, doon siya nakatalaga,at kung hindi sumunod, tanikalaan mo siya.
29 Ngunit huwag kang magmamalabis kaninuman,at huwag gagawa ng anumang labag sa katarungan.
30 Kung mayroon kang alipin, mahalin mo siyang gaya ng iyong sarili,sapagkat pinaghirapan mo ang salaping ibinili sa kanya.
31 Ituring mo siyang parang kapatid,sapagkat kailangan mo siya gaya ng iyong sarili.Kung maging malupit ka sa kanya at siya'y lumayas,saang panig ng daigdig mo siya hahanapin?