3 Ang matalinong tao ay nananalig sa Kautusan;ang tiwala niya dito'y tulad sa tinig ng Panginoon.
4 Ihanda mo ang iyong sasabihin kung nais mong ikaw ay pakinggan,isaayos mo muna ang iyong nalalaman bago ka tumugon.
5 Parang gulong ng kariton ang isipan ng mangmang,parang paikut-ikot na ehe ang kanyang pangangatuwiran.
6 Ang kaibigang mapanlibak ay parang kabayong haling,na kapag sinakyan ninuman ay humahalinghing.
7 Bakit may araw na itinuturing na higit kaysa iba,gayong iisa namang araw ang sumisikat sa buong isang taon?
8 Sapagkat may mga araw na itinangi ang Panginoon,nang itatag niya ang mga panahon at mga kapistahan.
9 May araw siyang pinagpala at pinabanal,at mayroon namang itinuring na pangkaraniwan.