15 Mapapalad ang mga taong may paggalang sa Panginoonsapagkat alam nila kung kanino hihingi ng tulong.
16 Ang paningin ng Panginoon ay nakatuon sa mga umiibig sa kanya,siya'y matibay na sanggalang at alalay.Siya ang umaalalay sa kanila nang di sila matisod o kaya'y bumagsak.
17 Siya ang nagpapasigla sa kanilang kalooban, nagpapaningning sa kanilang mga mata,nagbibigay ng ganap na kalusugan,siya ang batis ng buhay at lahat ng pagpapala.
18 Isang paglait sa Diyos ang pag-aalay ng handog kung ito ay kinuha sa masamang paraan.Ang handog ng makasalanan ay di karapat-dapat.
19 Hindi kinalulugdan ng kataas-taasan ang alay ng makasalanan,at ang pagpapatawad niya'y hindi nakukuha sa dami ng handog.
20 Ang paghahandog sa Diyos ng ninakaw sa isang mahirap,ay parang pagpatay sa isang anak sa harap ng kanyang ama.
21 Sa isang maralita ang kaunting pagkain ay pantawid-buhay,ang magkait nito'y maituturing na isang pagpatay.