18 Isang paglait sa Diyos ang pag-aalay ng handog kung ito ay kinuha sa masamang paraan.Ang handog ng makasalanan ay di karapat-dapat.
19 Hindi kinalulugdan ng kataas-taasan ang alay ng makasalanan,at ang pagpapatawad niya'y hindi nakukuha sa dami ng handog.
20 Ang paghahandog sa Diyos ng ninakaw sa isang mahirap,ay parang pagpatay sa isang anak sa harap ng kanyang ama.
21 Sa isang maralita ang kaunting pagkain ay pantawid-buhay,ang magkait nito'y maituturing na isang pagpatay.
22 Kapag inalisan mo ng hanapbuhay ang isang tao, o kaya'y dinaya mo ang sahod ng isang kasama,para mo na rin silang kinitlan ng buhay.
23 Kung ang ginagawa ng isa ay ginigiba naman ng iba,ano ang kanilang mapapala kundi pagpapakahirap.
24 Kung ang isa ay dumadalangin at ang ikalawa naman ay nagmumura,sino sa kanila ang diringgin ng Panginoon?