23 Kung ang ginagawa ng isa ay ginigiba naman ng iba,ano ang kanilang mapapala kundi pagpapakahirap.
24 Kung ang isa ay dumadalangin at ang ikalawa naman ay nagmumura,sino sa kanila ang diringgin ng Panginoon?
25 Maghugas man ang tao pagkatapos na humipo sa patay, kung pagkatapos ay hihipo muli,ano ang silbi ng kanyang paghuhugas?
26 Gayundin naman, mag-ayuno ka man dahil sa kasalanan, ngunit paulit-ulit namang magbabalik sa pagkakasalaanong mapapala mo sa iyong pagpapakagutom?Paanong pakikinggan ang iyong panalangin?