1 Para nang nag-alay ng maraming handog ang sumusunod sa Kautusan:sapagkat ang sumusunod sa mga utos ay para nang nag-alay ng mga handog na pangkapayapaan;
2 Ang tumatanaw ng utang na loob ay para nang naghandog ng mainam na harina,at ang nagkakawanggawa ay para nang nag-alay ng handog ng pasasalamat.
3 Umiwas ka sa masama at kalulugdan ka ng Panginoon,mag-ingat kang huwag makaapi at para ka nang nagbayad-puri para sa iyong sala.
4 Huwag kang haharap sa Panginoon nang walang dalang anuman,
5 sapagkat ang paghahandog na ito ay itinatagubilin ng Kautusan.
6 Kapag ang taong matuwid ay nag-alay ng kanyang handog,ang bango ng taba na sinusunog sa dambana ay pumapailanlang hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan.
7 Kinalulugdan ng Panginoon ang handog sa kanya ng taong matuwid,ito'y isang alaala na hindi niya malilimutan.