12 Huwag mong susuhulan ang Panginoon sapagkat di siya tumatanggap ng suhol,huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan.Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,wala siyang itinatanging sinuman.
13 Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap,sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi.
14 Lagi niyang dinirinig ang daing ng ulila,at ang pagsusumamo ng biyudang nagsasaysay ng nangyari sa kanya.
15 Ang luhang dumadaloy sa pisngi ng baloay sumisigaw laban sa taong naging dahilan ng kanyang pagluha.
16 Kinalulugdan ng Diyos ang naglilingkod sa kanya nang buong puso,ang panalangin nito'y agad nakakaabot sa langit.
17 Ang dalangin ng mapagpakumbabá ay tumatagos sa mga ulapat hindi tumitigil hanggang di umaabot sa Panginoon;hindi humihinto hanggang di pinapansin ng Kataas-taasan,at iginagawad ang katarungan para sa mga taong nasa katuwiran.
18 Hindi na magtatagal at kikilos ang Panginoon,hindi niya ipagpapabukas pa ang pagpaparusa sa masasama.Babaliin niya ang likod ng malulupit,paghihigantihan niya ang mga bansa.Lilipulin niya ang mga palalo,dudurugin niya ang kapangyarihan ng mga makasalanan.