6 Kapag ang taong matuwid ay nag-alay ng kanyang handog,ang bango ng taba na sinusunog sa dambana ay pumapailanlang hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan.
7 Kinalulugdan ng Panginoon ang handog sa kanya ng taong matuwid,ito'y isang alaala na hindi niya malilimutan.
8 Parangalan mo ang Panginoon nang buong katapatan,at huwag mong panghinayangan ang mga unang bungang inihahandog mo sa kanya.
9 Ialay mo ang iyong handog nang may ngiti sa mga labi,at magbigay ka ng ikasampung bahagi nang may galak sa puso.
10 Maghandog ka sa Panginoon nang buong puso,maging bukás-palad ka sa kanya, gaya ng ginawa niya sa iyo.
11 Ang Panginoon ay masagana kung gumanti,gagantihan ka niya nang makapitong beses.
12 Huwag mong susuhulan ang Panginoon sapagkat di siya tumatanggap ng suhol,huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan.Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,wala siyang itinatanging sinuman.