4 May kaibigang malapit lamang sa iyo habang ikaw ay sagana,ngunit iiwan ka niya sa panahon ng kagipitan.
5 Ang tapat na kaibiga'y handang makipaglaban para sa iyoat magsisilbing kalasag mo laban sa kaaway.
6 Huwag mong kalilimutan ang kaibigang nakipaglaban para sa iyo,huwag mo siyang itatakwil kapag ikaw ay sumagana.
7 Lahat ng tagapayo'y may kanya-kanyang ipapayo,ngunit mayroong nagpapayo para sa sariling kapakinabangan.
8 Mag-iingat ka kapag may nagpapayo sa iyo,tingnan mo muna kung ano ang papakinabangin niya.Sapagkat kung ang payo niya ay makakabuti sa kanya,baka ikaw ay kinakasangkapan lamang niya.
9 Marahil sasabihin niya: “Mahusay! Tamang-tama ang ginawa mo.”At pagkatapos ay malugod na lamang niyang panonoorin ang mangyayari sa iyo.
10 Huwag kang hihingi ng payo sa taong walang tiwala sa iyo,at huwag ka namang magbibigay ng payo sa mga naiinggit sa iyo.