7 Lahat ng tagapayo'y may kanya-kanyang ipapayo,ngunit mayroong nagpapayo para sa sariling kapakinabangan.
8 Mag-iingat ka kapag may nagpapayo sa iyo,tingnan mo muna kung ano ang papakinabangin niya.Sapagkat kung ang payo niya ay makakabuti sa kanya,baka ikaw ay kinakasangkapan lamang niya.
9 Marahil sasabihin niya: “Mahusay! Tamang-tama ang ginawa mo.”At pagkatapos ay malugod na lamang niyang panonoorin ang mangyayari sa iyo.
10 Huwag kang hihingi ng payo sa taong walang tiwala sa iyo,at huwag ka namang magbibigay ng payo sa mga naiinggit sa iyo.
11 Huwag kang magtatanong sa isang babae tungkol sa kanyang karibal,sa isang duwag tungkol sa digmaan,sa mangangalakal tungkol sa halaga ng bilihin,sa mamimili tungkol sa iyong ipinagbibili,sa kuripot tungkol sa pagtanaw ng utang na loob,sa malupit tungkol sa paglingap sa kapwa,sa taong tamad tungkol sa anumang uri ng gawa,sa isang pansamantalang manggagawa tungkol sa pagtatapos ng isang gawain,o sa isang aliping tamad tungkol sa isang malaking gawain;huwag kang hihingi ng payo sa sinuman sa mga ito.
12 Sa halip, lumapit ka sa taong may takot sa Diyos,sa taong kilala mong masunurin sa Kautusan.Magtanong ka sa isang katulad mo ang kaisipan,na maaawa sa iyo kung ikaw ay magkamali.
13 At sa wakas, pakinggan mo ang itinitibok ng iyong puso,sapagkat wala kang dapat pagtiwalaan nang higit sa riyan.