1 Igalang mo ang manggagamot nang marapat sa kanyang katungkulan,sapagkat ang Panginoon din ang nagtakda ng tungkuling iyan.
2 Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos,at ginagantimpalaan siya pati ng mga hari.
3 Dahil sa kanyang karunungan marangal siyang nakakaharap kaninuman,at iginagalang siya pati ng mga maykapangyarihan.
4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.
5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inuminsa pamamagitan ng isang pirasong kahoy upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.