11 Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
12 Pagkatapos, magpatawag ka ng manggagamot—ang Panginoon din ang maylikha sa tungkuling iyan—at huwag mo siyang paaalisin, pagkat kailangan mo siya.
13 May mga pagkakataong sa kamay niya masasalalay ang buhay mo.
14 Dadalangin din siya sa Panginoon na siya'y patnubayan upang mapawi ang sakit,mapagaling ang iyong karamdaman at mailigtas ang iyong buhay.
15 Magkakasala laban sa Panginoon ang isang tao,kung hindi siya susunod sa kanyang manggagamot.
16 Tangisan mo ang isang tao kapag siya'y namatay,umiyak ka nang malakas at ipakita mo ang iyong pamimighati.Bihisan mo siya ayon sa kanyang kalagayan,at dumalo ka sa kanyang libing.
17 Ipagluksa mo nang marapat ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng pagluha at panaghoy.Gawin mo ito sa loob ng isa o dalawang araw, nang walang masabi ang sinuman.Pagkatapos, aliwin mo na ang iyong sarili.