17 Ipagluksa mo nang marapat ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng pagluha at panaghoy.Gawin mo ito sa loob ng isa o dalawang araw, nang walang masabi ang sinuman.Pagkatapos, aliwin mo na ang iyong sarili.
18 Sapagkat ang panlulumo ay nakapagpapahina ng katawan,at ang labis na pagdadalamhati ay maaaring ikamatay.
19 Pagdadalamhati ang laging kasunod ng pagpanaw ng isang mahal sa buhay,ngunit hindi tamang itulak ka niyon sa karukhaan.
20 Kaya, huwag kang padadala sa labis na pamimighati,iwaksi mo iyan at alalahanin mo ang iyong kinabukasan.
21 Huwag mong kalilimutan na ang patay ay hindi na makakabalik;hindi na rin siya matutulungan ng iyong pagluha, at sa halip ikaw ay maaari pang mapinsala.
22 Alalahanin mo na ang nangyari sa kanya'y mangyayari din sa iyo:“Kahapon ay ako, ngayon naman ay ikaw.”
23 Pagkatapos na ang isang tao'y mamayapa, tigilan mo na ang pag-aalala sa kanya.Huwag ka nang magpakabalisa, matapos malagot ang kanyang hininga.