2 Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos,at ginagantimpalaan siya pati ng mga hari.
3 Dahil sa kanyang karunungan marangal siyang nakakaharap kaninuman,at iginagalang siya pati ng mga maykapangyarihan.
4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.
5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inuminsa pamamagitan ng isang pirasong kahoy upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.
7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit at pagpapanauli ng kalusugan.Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.
9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.