23 Pagkatapos na ang isang tao'y mamayapa, tigilan mo na ang pag-aalala sa kanya.Huwag ka nang magpakabalisa, matapos malagot ang kanyang hininga.
24 Ang karunungan ng dalubhasa ay nakabatay sa pagkakataon,kailangang maibsan siya ng mga ibang gawain.
25 Paano dudunong ang pobreng magsasakana walang inaatupag kundi ang kanyang trabaho?Akay ang pang-araro sa maghapong singkad,at walang ibig pag-usapan kundi ang kanyang mga hayop.
26 Ang tanging iniisip niya'y mapatuwid ang mga tudlingat pagdating ng hapon ay kumpayan ang mga baka.
27 Ganito rin ang kapalaran ng dalubhasang mag-uukitna patuloy ang trabaho sa gabi at araw.Nag-uukit siya at gumagawa ng mga pantatak,palaging ang iniisip ay makalikha ng bagong dibuho.Sa buong maghapon ay hinuhugisan niya itoat makatapos lamang, pati sa gabi ay nagtatrabaho.
28 Ganito rin ang panday na nakaupo sa harap ng palihan,at nag-iisip kung anong gagawin sa isang pirasong bakal.Balat niya'y halos maluto sa lagablab ng apoy,ngunit tuloy pa rin ng pagtatrabaho sa harap ng pugon.Halos siya'y mabingi na sa taginting ng martilyo,at ang mata'y walang alis sa bakal na minamaso,at sa hangad na matapos ang gawaing sinimulan,madilim na'y tuloy pa rin sa kanyang pagpapanday.
29 Ito rin ang nangyayari sa manggagawa ng palayok, na maghapong nakaupo sa harap ng gawaan;pinaaandar ng kanyang paa ang umiikot na gulong,at ang buong pag-iisip niya'y nasa kanyang ginagawa,kung gaano karami ang kanyang matatapos.