30 Nilulusak ng kanyang paa ang putik na tinubigan,at ito'y hinuhugisan ng kanyang mga kamay.Maingat niyang pinakikintab ang bawat hinugisan,at naglalamay sa pagbabantay ng apoy sa pugon.
31 Ang lahat ng mga ito ay mahuhusay ang kamay,bawat isa'y dalubhasa sa kanyang nalalaman.
32 Kung wala sila'y hindi mabubuhay ang isang lunsod,sapagkat walang maninirahan doon o manunuluyang manlalakbay.
33 Subalit hindi sila kinakailangan sa kapulungan ng bayan,at hindi rin sila pinahahawak ng matataas na katungkulan.Hindi sila inilalagay na hukom,sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa batas.Hindi rin sila nakikilala sa kanilang karunungan o katalinuhan,at di sila marunong kumatha ng mga salawikain.
34 Subalit sila ang nagpapaginhawa sa buhay natin dito sa daigdig,at sa paggawa nila araw-araw, para na silang nananalangin.