5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inuminsa pamamagitan ng isang pirasong kahoy upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.
7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit at pagpapanauli ng kalusugan.Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.
9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.
10 Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.
11 Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
12 Pagkatapos, magpatawag ka ng manggagamot—ang Panginoon din ang maylikha sa tungkuling iyan—at huwag mo siyang paaalisin, pagkat kailangan mo siya.