1 Maraming tiisin ang nakalaan sa sinumang tao,at mabigat na pamatok ang nakaatang sa bawat anak ni Adan,mula sa kanyang paglabas sa sinapupunan ng kanyang ina,hanggang sa siya'y magbalik sa kandungan ng lupa, na siyang ina ng lahat ng may buhay.
2 Isip niya'y nililigalig ng mga agam-agam, puso niya'y puno ng pangamba,lagi na lamang siyang nagigimbal sa takot sa pagdating ng oras ng kamatayan.
3 Mula sa nakaupo sa marangal na trono,hanggang sa nakalugmok sa alabok at abo,
4 mula sa nakadamit ng kulay pula at may suot na koronahanggang sa mahirap na nakasuot ng damit-panluksa—
5 Lahat ay nakadarama ng pagkapoot, pagkainggit, pagkalito at pagkabalisa,takot sa kamatayan, pagtatalo at paghihimagsik.Kahit sa kanyang pamamahinga pagsapit ng gabi,patuloy pa siyang ginugulo sa kanyang pagtulog.
6 Halos kahihimlay pa lamang niya sa kanyang higaanay pinahihirapan na naman siya ng masasamang panaginip.Sa kanyang pagtulog, inuusig siya ng mga nakakatakot na pangitain,wari niya'y isa siyang takas mula sa larangan ng digmaan,