12 Ang nagmula sa suhol at pang-aapi ay tuluyang mawawala,ngunit ang katapatan ay mananatili magpakailanman.
13 Ang kayamanang nanggaling sa masamang paraan ay parang malakas na baha,malaki ang tubig at mabilis ang agos kapag kumukulog at umuulan.
14 Sa lakas ng agos nadadala pati ang mga batong madaanan,ngunit ito'y matutuyo sa darating na araw.
15 Ang lahi ng masasamang tao ay hindi darami,tulad ng halamang ang ugat ay nasa mabatong lupa;
16 Katulad din nila'y damong tumubo sa pampang ng ilog,na unang natutuyo kaysa ibang damo.
17 Ngunit ang kabutihan ay hindi maglalaho,at ang katarungan ay mananatili magpakailanman.
18 Mapalad ang nakakariwasa o may sariling hanapbuhay,ngunit higit na mapalad ang makahukay ng natatagong kayamanan.