14 Sa lakas ng agos nadadala pati ang mga batong madaanan,ngunit ito'y matutuyo sa darating na araw.
15 Ang lahi ng masasamang tao ay hindi darami,tulad ng halamang ang ugat ay nasa mabatong lupa;
16 Katulad din nila'y damong tumubo sa pampang ng ilog,na unang natutuyo kaysa ibang damo.
17 Ngunit ang kabutihan ay hindi maglalaho,at ang katarungan ay mananatili magpakailanman.
18 Mapalad ang nakakariwasa o may sariling hanapbuhay,ngunit higit na mapalad ang makahukay ng natatagong kayamanan.
19 Makikilala ang pangalan ng may mga anak, o ang nakapagtayo ng isang bayan,ngunit lalong makikilala ang nakatagpo sa Karunungan.Makikilala ang may maraming bakahan at malawak na ubasan,ngunit mas mahalaga sa mga ito ang isang butihing asawa.
20 Ang alak at tugtugan ay nakapagpapaligaya sa puso,ngunit mas mainam kaysa mga ito ang pag-ibig sa Karunungan.