19 Makikilala ang pangalan ng may mga anak, o ang nakapagtayo ng isang bayan,ngunit lalong makikilala ang nakatagpo sa Karunungan.Makikilala ang may maraming bakahan at malawak na ubasan,ngunit mas mahalaga sa mga ito ang isang butihing asawa.
20 Ang alak at tugtugan ay nakapagpapaligaya sa puso,ngunit mas mainam kaysa mga ito ang pag-ibig sa Karunungan.
21 Ang tugtog ng plauta at alpa ay nakakawiling pakinggan,ngunit lalong nakakawili ang magandang tinig.
22 Ang ganda't alindog ay nakalulugod pagmasdan,ngunit higit na kasiya-siya ang luntiang tanim sa kaparangan.
23 Ang isang kaibigan, o ang isang kasama ay mabuting alalay,ngunit higit sa kanilang dalawa ang isang butihing maybahay.
24 Mabuti ang may kapatid o kapanalig sa panahon ng kagipitan,ngunit higit sa maitutulong nila ang maitutulong ng pagkakawanggawa.
25 Ang ginto at pilak ay nakakapagpatatag sa isang tao,ngunit lalong mahalaga kaysa mga iyan ang mabuting payo.