2 Isip niya'y nililigalig ng mga agam-agam, puso niya'y puno ng pangamba,lagi na lamang siyang nagigimbal sa takot sa pagdating ng oras ng kamatayan.
3 Mula sa nakaupo sa marangal na trono,hanggang sa nakalugmok sa alabok at abo,
4 mula sa nakadamit ng kulay pula at may suot na koronahanggang sa mahirap na nakasuot ng damit-panluksa—
5 Lahat ay nakadarama ng pagkapoot, pagkainggit, pagkalito at pagkabalisa,takot sa kamatayan, pagtatalo at paghihimagsik.Kahit sa kanyang pamamahinga pagsapit ng gabi,patuloy pa siyang ginugulo sa kanyang pagtulog.
6 Halos kahihimlay pa lamang niya sa kanyang higaanay pinahihirapan na naman siya ng masasamang panaginip.Sa kanyang pagtulog, inuusig siya ng mga nakakatakot na pangitain,wari niya'y isa siyang takas mula sa larangan ng digmaan,
7 at pagdating niya sa isang ligtas na lugar ay saka siya nagigising.Nagugulat na lamang siya na ang lahat palang iyon ay isa lamang panaginip.
8-9 Ang bawat may hininga, tao man o hayopay mamamatay o mapapatay, sa pag-aaway o sa digmaan;lahat ay daranas ng mga sakuna, gutom, pagdaralita at salot—ngunit makapitong beses ang hirap na titiisin ng makasalanan.