24 Mabuti ang may kapatid o kapanalig sa panahon ng kagipitan,ngunit higit sa maitutulong nila ang maitutulong ng pagkakawanggawa.
25 Ang ginto at pilak ay nakakapagpatatag sa isang tao,ngunit lalong mahalaga kaysa mga iyan ang mabuting payo.
26 Ang kayamanan at kapangyarihan ay nakakapagpalakas ng loob,ngunit mas mainam sa mga ito ang paggalang sa Panginoon.Ang may paggalang sa Panginoon ay hindi kinukulang sa anuman,kaya't hindi siya mangangailangan ng anumang tulong.
27 Ang paggalang sa Panginoon ay parang isang halamanang hitik ng mga pagpapala,at ang karangalang dulot niya sa isang tao ay higit sa alinmang parangal.
28 Anak, pakaingatan mong huwag kang maging pulubi,sapagkat mabuti pa ang mamatay kaysa magpalimos.
29 Kapag ang inaasahan ng isang tao ay ang pagkaing galing sa iba,hindi siya maituturing na buháy kahit siya'y may hininga.Nakakadungis sa dangal ninuman ang pagkaing pinagpalimusan,kaya't ito'y pinakaiiwasan ng taong may pinag-aralan.
30 Sa bibig ng walang kahihiyan ay parang masarap ang magpalimos,ngunit sa kanyang kalooba'y para siyang inaapuyan.