27 Ang paggalang sa Panginoon ay parang isang halamanang hitik ng mga pagpapala,at ang karangalang dulot niya sa isang tao ay higit sa alinmang parangal.
28 Anak, pakaingatan mong huwag kang maging pulubi,sapagkat mabuti pa ang mamatay kaysa magpalimos.
29 Kapag ang inaasahan ng isang tao ay ang pagkaing galing sa iba,hindi siya maituturing na buháy kahit siya'y may hininga.Nakakadungis sa dangal ninuman ang pagkaing pinagpalimusan,kaya't ito'y pinakaiiwasan ng taong may pinag-aralan.
30 Sa bibig ng walang kahihiyan ay parang masarap ang magpalimos,ngunit sa kanyang kalooba'y para siyang inaapuyan.