5 Lahat ay nakadarama ng pagkapoot, pagkainggit, pagkalito at pagkabalisa,takot sa kamatayan, pagtatalo at paghihimagsik.Kahit sa kanyang pamamahinga pagsapit ng gabi,patuloy pa siyang ginugulo sa kanyang pagtulog.
6 Halos kahihimlay pa lamang niya sa kanyang higaanay pinahihirapan na naman siya ng masasamang panaginip.Sa kanyang pagtulog, inuusig siya ng mga nakakatakot na pangitain,wari niya'y isa siyang takas mula sa larangan ng digmaan,
7 at pagdating niya sa isang ligtas na lugar ay saka siya nagigising.Nagugulat na lamang siya na ang lahat palang iyon ay isa lamang panaginip.
8-9 Ang bawat may hininga, tao man o hayopay mamamatay o mapapatay, sa pag-aaway o sa digmaan;lahat ay daranas ng mga sakuna, gutom, pagdaralita at salot—ngunit makapitong beses ang hirap na titiisin ng makasalanan.
10 Dahil sa mga taong walang takot sa Diyos, lumitaw ang lahat ng iyan,at sila rin ang naging dahilan ng malaking baha.
11 Lahat ng nagmula sa lupa ay sa lupa magbabalik,at ang lahat ng nagmula sa tubig ay sa dagat magbabalik.
12 Ang nagmula sa suhol at pang-aapi ay tuluyang mawawala,ngunit ang katapatan ay mananatili magpakailanman.