1 O kamatayan, anong pait ng iyong alaalasa taong payapang nagpapasasa sa kanyang kayamanan.Sa taong walang alalahanin at masagana sa lahat ng bagay,sa taong malusog at maaari pang magpasasa sa masarap na pagkain.
2 Ngunit anong laking kaaliwan ang idinulot mo sa iyong pagdatingsa taong nagdaralita at tinakasan na ng lakas,sa taong iginupo na ng katandaan at mga alalahanin,sa taong hindi na makakita at wala nang pag-asa.
3 Huwag kang matakot sa hatol ng kamatayan,alalahanin mong saklaw nito ang lahat: ang mga nauna sa iyo at ang mga darating pa.
4 Ito ang itinalaga ng Panginoon sa lahat ng may buhay,at sino kang tututol sa kalooban ng Kataas-taasang Diyos?Mabuhay ka man nang sampu, sandaan o sanlibong taon,hindi na iyan mahalaga sa daigdig ng mga patay.