10 Ang nanggaling sa lupa'y sa lupa rin magbabalik;gayundin naman, ang hindi kumikilala sa Diyos ay sa kapahamakan naman masasadlak.
11 Ang katawan ng tao ay pansamantala lamang,ngunit ang mabuting pangalan ay mananatili magpakailanman.
12 Pangalagaan mong mabuti ang iyong pangalan, sapagkat iyan ang maiiwan mo kapag ikaw ay namatay;at ang halaga niya'y higit pa sa maraming kayamanan.
13 Ang maginhawang buhay ay panandalian lamang,ngunit ang mabuting pangalan ay magpakailanman.
14 Mga anak, sundin ninyo ang aking aral at mananatili kayo sa kapayapaan.Ano ang papakinabangin ninyo sa kayamanang nakabaon o kaya'y sa karunungang nakatago?
15 Mas mabuti pa ang nagkukubli ng kanyang kamangmangankaysa nagtatago ng kanyang karunungan.
16 Pahalagahan ninyo itong aking sasabihinmga bagay na may kinalaman sa pagkahiya;may pagkahiyang hindi nararapatat may pagkahiya ring hindi napapanahon.