12 Pangalagaan mong mabuti ang iyong pangalan, sapagkat iyan ang maiiwan mo kapag ikaw ay namatay;at ang halaga niya'y higit pa sa maraming kayamanan.
13 Ang maginhawang buhay ay panandalian lamang,ngunit ang mabuting pangalan ay magpakailanman.
14 Mga anak, sundin ninyo ang aking aral at mananatili kayo sa kapayapaan.Ano ang papakinabangin ninyo sa kayamanang nakabaon o kaya'y sa karunungang nakatago?
15 Mas mabuti pa ang nagkukubli ng kanyang kamangmangankaysa nagtatago ng kanyang karunungan.
16 Pahalagahan ninyo itong aking sasabihinmga bagay na may kinalaman sa pagkahiya;may pagkahiyang hindi nararapatat may pagkahiya ring hindi napapanahon.
17 Mahiya kang gumawa ng kahalayan sa harapan ng iyong ama't ina,o magsabi ng kasinungalingan sa harap ng may kapangyarihan.
18 Mahiya kang lumabag sa batas sa harapan ng hukom o pinuno ng bayan,o ng kalapastanganan sa Diyos sa kapulungan ng buong bayan.Mahiya kang magtaksil sa kasama o kaibigan,