15 Mas mabuti pa ang nagkukubli ng kanyang kamangmangankaysa nagtatago ng kanyang karunungan.
16 Pahalagahan ninyo itong aking sasabihinmga bagay na may kinalaman sa pagkahiya;may pagkahiyang hindi nararapatat may pagkahiya ring hindi napapanahon.
17 Mahiya kang gumawa ng kahalayan sa harapan ng iyong ama't ina,o magsabi ng kasinungalingan sa harap ng may kapangyarihan.
18 Mahiya kang lumabag sa batas sa harapan ng hukom o pinuno ng bayan,o ng kalapastanganan sa Diyos sa kapulungan ng buong bayan.Mahiya kang magtaksil sa kasama o kaibigan,
19 o magnakaw kaya sa iyong mga kapitbahay.Ikahiya mo ang di pagtupad sa kasunduan o sa sinumpaan,at ang magaspang na kilos sa harap ng pagkain.Ikahiya mo ang karamutan kapag ikaw ay hinihingan,
20 o ang pagkalimot bumati sa mga bumabati sa iyo.Ikahiya mo ang pagtitig sa isang mahalay na babae,
21 at ang di mo paglingap sa isang kamag-anak.Ikahiya mo ang pagkuha sa kaparte ng ibang tao,o ang panliligaw sa asawa ng iba.