2 Ngunit anong laking kaaliwan ang idinulot mo sa iyong pagdatingsa taong nagdaralita at tinakasan na ng lakas,sa taong iginupo na ng katandaan at mga alalahanin,sa taong hindi na makakita at wala nang pag-asa.
3 Huwag kang matakot sa hatol ng kamatayan,alalahanin mong saklaw nito ang lahat: ang mga nauna sa iyo at ang mga darating pa.
4 Ito ang itinalaga ng Panginoon sa lahat ng may buhay,at sino kang tututol sa kalooban ng Kataas-taasang Diyos?Mabuhay ka man nang sampu, sandaan o sanlibong taon,hindi na iyan mahalaga sa daigdig ng mga patay.
5 Ang mga anak ng makasalanan ay lahing kasuklam-suklam,lahing walang isip, na nawiwiling makisalamuha sa mga makasalanan.
6 Ang kanilang mana ay mauubos nang tuluyan,at ang kanilang mga inapo ay hahamakin magpakailanman.
7 Sisisihin ng kanyang mga anak ang isang makasalanang ama,sapagkat nagdaranas sila ng kahihiyan nang dahil sa kanya.
8 Kawawa kayo, mga hindi natatakot sa Diyos,kayong lahat na tumalikod sa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos.