21 at ang di mo paglingap sa isang kamag-anak.Ikahiya mo ang pagkuha sa kaparte ng ibang tao,o ang panliligaw sa asawa ng iba.
22 Ikahiya mo ang pagpatol sa iyong utusang babae,kaya't huwag kang lalapit kailanman sa higaan nito.Ikahiya mo ang panlalait sa iyong mga kaibigan,o ang panunumbat sa taong iyong tinulungan.
23 Ikahiya mo ang pagkakalat ng mga narinig mong usapan,o ang pagsisiwalat ng lihim na ipinagkatiwala sa iyo.
24 Sa gayon, magkakaroon ka ng wastong kahihiyan,at kalulugdan ka ng lahat ng tao.