3 Huwag kang matakot sa hatol ng kamatayan,alalahanin mong saklaw nito ang lahat: ang mga nauna sa iyo at ang mga darating pa.
4 Ito ang itinalaga ng Panginoon sa lahat ng may buhay,at sino kang tututol sa kalooban ng Kataas-taasang Diyos?Mabuhay ka man nang sampu, sandaan o sanlibong taon,hindi na iyan mahalaga sa daigdig ng mga patay.
5 Ang mga anak ng makasalanan ay lahing kasuklam-suklam,lahing walang isip, na nawiwiling makisalamuha sa mga makasalanan.
6 Ang kanilang mana ay mauubos nang tuluyan,at ang kanilang mga inapo ay hahamakin magpakailanman.
7 Sisisihin ng kanyang mga anak ang isang makasalanang ama,sapagkat nagdaranas sila ng kahihiyan nang dahil sa kanya.
8 Kawawa kayo, mga hindi natatakot sa Diyos,kayong lahat na tumalikod sa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos.
9 Kung kayo'y magkaanak, mapapahamak silaat walang maiiwan sa inyo kundi kapighatian.Ipagdiwang ang inyong pagbagsak;at pagkamatay ninyo, kayo'y susumpain.