2 Huwag mong ikahiya ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos at ang kanyang tipan,o ang maggawad ng katarungan, kahit sa masasamang tao.
3 Huwag kang mahiyang makipagtuos ng gastos sa kasama sa paglalakbay,o kumuha ng kaparte mo sa mamanahing kayamanan.
4 Huwag kang mahiyang gumamit ng tamang timbangan,o magpatakbo ng negosyo malaki o maliit man.
5 Huwag kang mahiyang magpatubo sa pangangalakal,o sumaway at magtuwid sa iyong mga anak,o magpadugo ng likod ng aliping batugan.
6 Huwag kang mahiyang gumamit ng kandado, kung ang asawa mo'y hindi mapagkakatiwalaan,o kung sa ari-arian mo'y maraming nakikialam.
7 Huwag mong ikahiyang bilangin o timbangin ang ipinagkakatiwala mo sa iba,o isulat ang lahat ng salaping tinatanggap o ibinabayad.
8 Huwag kang mahiyang magtuwid sa mangmang,o kaya'y sumaway sa matandang nakikisiping sa mga haliparot.Ang lahat ng iyan ay magagandang payona kung susundin mo ay pupurihin ka ng lahat.