5 Huwag kang mahiyang magpatubo sa pangangalakal,o sumaway at magtuwid sa iyong mga anak,o magpadugo ng likod ng aliping batugan.
6 Huwag kang mahiyang gumamit ng kandado, kung ang asawa mo'y hindi mapagkakatiwalaan,o kung sa ari-arian mo'y maraming nakikialam.
7 Huwag mong ikahiyang bilangin o timbangin ang ipinagkakatiwala mo sa iba,o isulat ang lahat ng salaping tinatanggap o ibinabayad.
8 Huwag kang mahiyang magtuwid sa mangmang,o kaya'y sumaway sa matandang nakikisiping sa mga haliparot.Ang lahat ng iyan ay magagandang payona kung susundin mo ay pupurihin ka ng lahat.
9 Ang anak na babae ay sakit ng ulo ng isang ama,bagaman ito'y hindi ipinahahalata sa kanya.Habang siya'y bata, iniisip ng ama na baka hindi magkaasawa ang anak niya,at kung magkaasawa ay baka kamuhian ng asawa.
10 Kapag naging dalaga, baka masira ang puriat magkaanak sa pagka-dalaga.Kung magkaasawa naman, baka magtaksil sa asawa,o kaya'y hindi magkaanak.
11 Kung siya'y matigas ang ulo, pakaingatan mong mabuti,upang huwag kang mapagtawanan ng iyong mga kaaway,o kaya'y mapag-usapan ng buong sambayanan,at sa gayo'y mapahiya ka sa harap ng karamihan.