12 Ang kanyang turbante ay nilagyan ng hiyas na gintona may ganitong titik: “Nakatalaga sa Panginoon.”Palamuting marilag at napakaganda ng pagkagawa,hiyas na nakakawiling pagmasdan.
13 Wala pang ibang nakapagsuot ng kasuotang gayon kaganda,at wala ring nakapagsuot niyon pagkamatay niya,siya, ang kanyang mga anak na lalaki,at ang kanyang mga salinlahi ang siya lamang nakapagsuot noon sa habang panahon.
14 Mag-aalay sila ng handog na susunuginumaga't hapon, magpakailanman.
15 Itinalaga siya ni Moisesat pinahiran ng langis na sagrado.At sa pamamagitan nito'y nakipagtipan ang Diyos sa kanya,at sa kanyang mga anak magpakailanman.Maglilingkod sila sa Diyos bilang mga pari,magbabasbas sa bayan sa pangalan ng Panginoon.
16 Hinirang si Aaron sa lahat ng mga taoupang maging tagapaghandog sa Panginoonng mga handog na susunugin at insenso upang magsilbing tagapagpaalala sa Panginoonat upang patawarin sila sa kanilang mga kasalanan.
17 Ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang kanyang mga batas,at sa kanya pinaingatan ang nilalaman ng Kautusanupang ituro sa mga anak ni Jacob ang kanyang mga tuntunin,at ipaliwanag sa Israel ang kanyang mga utos.
18 Minsan ay may mga nainggit sa kanya,at nag-aklas laban sa kanya doon sa ilang:sina Datan, Abiram at Korah at ang kanilang mga pangkat—galit silang lumapit sa kanya.