15 Itinalaga siya ni Moisesat pinahiran ng langis na sagrado.At sa pamamagitan nito'y nakipagtipan ang Diyos sa kanya,at sa kanyang mga anak magpakailanman.Maglilingkod sila sa Diyos bilang mga pari,magbabasbas sa bayan sa pangalan ng Panginoon.
16 Hinirang si Aaron sa lahat ng mga taoupang maging tagapaghandog sa Panginoonng mga handog na susunugin at insenso upang magsilbing tagapagpaalala sa Panginoonat upang patawarin sila sa kanilang mga kasalanan.
17 Ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang kanyang mga batas,at sa kanya pinaingatan ang nilalaman ng Kautusanupang ituro sa mga anak ni Jacob ang kanyang mga tuntunin,at ipaliwanag sa Israel ang kanyang mga utos.
18 Minsan ay may mga nainggit sa kanya,at nag-aklas laban sa kanya doon sa ilang:sina Datan, Abiram at Korah at ang kanilang mga pangkat—galit silang lumapit sa kanya.
19 Nakita ng Panginoon ang ginawa nila,at sa galit niya'y nilipol silang lahat.Sa pamamagitan ng isang kababalaghanay tinupok sila ng naglalagablab na apoy.
20 Dinagdagan pa ng Diyos ang parangal kay Aaronnang ito'y bigyan niya ng tanging pamana:inilaan niya sa mga pari ang pinakamainam na unang ani,upang sila'y magkaroon ng saganang ikabubuhay.
21 Kaya't sila ang kumakain ng mga handog sa Panginoon.Ibinigay niya ito kay Aaron at sa kanyang mga anak.