5 Tumawag siya sa Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan,nang siya'y sinasalakay ng kaaway mula sa lahat ng panig.At bilang tugon sa kanyang dalangin,bumagsak sa kanyang kalaban ang isang napakalakas na ulan ng yelo.
6 At nilipol ng Diyos ang bansang iyon,samantalang sila'y nagsisitakas pababa sa gulod ng Beth-horon;sa gayo'y nakilala ng mga bansa ang kapangyarihan ni Josue,at napatunayang siya'y kinukupkop ng Panginoon.
7 Si Josue ay laging masunurin sa Diyos na Makapangyarihan,tapat sa kanya mula pa noong panahon ni Moises.Sila ni Caleb na anak ni Jefune ang nanindiganlaban sa paghihimagsik ng buong bayan.Pinigil nila ang mga ito sa pagkakasala,at pinatahimik sa kanilang mga reklamo.
8 Kaya naman sila lamang dalawa ang natirang buháysa 600,000 Israelita na umalis sa Egipto,at nakapasok sa lupaing ipinangako sa kanila—lupain na mayaman at sagana sa lahat ng bagay.
9 Binigyan ng Panginoon si Caleb ng kapangyarihan,at ito'y tinaglay niya hanggang sa kanyang katandaan,kaya't nasakop pa niya ang mga lupain sa kaburulan.Magpahanggang ngayon naroon pa ang kanyang mga angkan.
10 Sa gayon, nakita ng buong bayang Israelna mabuti ang ibinubunga ng pagiging tapat sa Panginoon.
11 Nariyan din ang mga hukom, bawat isa'y nabantog noong kanyang kapanahunan,mga lalaking may pusong laging tapatat di nagtaksil sa Panginoon kailanman.Purihin ang kanilang alaala!