12 Ang humalili sa kanya ay isang marunong na anak,na dahil sa kanya'y namuhay nang matiwasay.
13 Naging mapayapa ang paghahari ni Solomon,sapagkat pinatahimik ng Diyos ang kanyang mga hangganan.Kaya't nakapagtayo siya ng isang marilag na Templo,na titirhan ng Diyos magpakailanman.
14 Kay dunong mo, Solomon, nang ikaw ay bata pa!ang karunungan mo'y parang ilog na umaapaw.
15 Ang kapangyarihan ng katalinuhan mo'y lumaganap sa buong daigdigat nakilala sa lahat ng dako ang iyong mga salawikain.
16 Nabantog ang pangalan mo sa malalayong lupain,at minahal ka ng lahat dahil sa mapayapa mong paghahari.
17 Hinangaan sa buong daigdig ang iyong mga salawikain,ang iyong mga awit, kawikaan at paliwanag.
18 Sa ngalan ng Panginoong Diyos,na tinatawag ding Diyos ng Israel,nagtipon ka ng napakaraming ginto at pilakna para bang lata o tingga sa kasaganaan.