3 Pinaglaruan lamang niya ang leon na wari'y batang kambing,at ang mga oso na wari'y maliliit na tupa.
4 Binatilyo pa lamang siya nang patayin niya ang higanteat sagipin sa kahihiyan ang bayang Israel.Pinabagsak niya ang palalong si Goliat,sa pamamagitan ng isang bato na ibinala niya sa kanyang tirador.
5 Sapagkat nanawagan siya sa Kataas-taasang Diyos,pinag-ibayo nito ang lakas ng kanyang bisig,at napatay niya ang batikang mandirigma ng kaaway,upang igalang ng mga bansa ang kapangyarihan ng kanyang bayan.
6 Kaya't tinawag siyang “ang nagwagi sa sampu-sampung libo,”at noong igawad sa kanya ang korona ng pagkahari,ipinagdiwang siya ng bayan sapagkat hinirang siya ng Panginoon.
7 Nilipol niya ang mga kaaway na Filisteowinasak ang kanilang kapangyarihan, hanggang sa panahong ito.
8 Nagpasalamat siya sa Diyos, sa lahat niyang nagawa;sa Kataas-taasan at Kabanal-banalan niya iniukol ang karangalan.Kumatha siya ng mga awit na nagmumula sa kaibuturan ng puso,upang ipakilala ang pag-ibig niya sa Maykapal.
9 Naglagay siya ng mga mang-aawit at manunugtog,upang umawit sa harap ng dambana sa saliw ng mga alpa.