9 Naglagay siya ng mga mang-aawit at manunugtog,upang umawit sa harap ng dambana sa saliw ng mga alpa.
10 Pinaringal niya ang pagdiriwang ng mga pista,at itinakda ang kanilang mga araw sa loob ng isang taon;kaya nga, umalingawngaw sa tahanan ng Panginoon ang papuri sa kanyang banal na pangalan,mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw.
11 Pinatawad siya ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan,at ibinigay sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman.Iginawad sa kanya ang korona ng pagkahariat ipinangako sa kanyang angkan ang trono ng Israel.
12 Ang humalili sa kanya ay isang marunong na anak,na dahil sa kanya'y namuhay nang matiwasay.
13 Naging mapayapa ang paghahari ni Solomon,sapagkat pinatahimik ng Diyos ang kanyang mga hangganan.Kaya't nakapagtayo siya ng isang marilag na Templo,na titirhan ng Diyos magpakailanman.
14 Kay dunong mo, Solomon, nang ikaw ay bata pa!ang karunungan mo'y parang ilog na umaapaw.
15 Ang kapangyarihan ng katalinuhan mo'y lumaganap sa buong daigdigat nakilala sa lahat ng dako ang iyong mga salawikain.