2 Kinamuhian niya ang mga kasalanan ng bayan,at winasak ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.
3 Naging matatag ang kanyang katapatan sa Diyos,at nanatiling maka-Diyos sa mga panahon ng kasamaan.
4 Liban kina David, Hezekias at Josias,nagpakasamang lahat ang mga hari ng Juda.Tinalikuran nila ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos,kaya't sa wakas, inalis sa kanila ang pagkahari.
5 Inilipat ng Diyos sa iba ang kanilang kapangyarihan,at ang karangalan nila'y ibinigay sa isang bayang dayuhan.
6 Sinunog ng mga ito ang banal na lunsod,at iniwang parang ilang ang kanyang mga lansangan.Ito'y ipinahayag na ni Jeremias noong una,
7 sapagkat siya'y kanilang pinag-usig at inalimura,bagaman siya'y hinirang na propeta mula pa sa tiyan ng inaupang maggiba, magwasak at bumunot,at upang magtayo, magbuo at magtanim.
8 Si Ezekiel ang nakakita ng kagila-gilalas na pangitain tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos.Nakita niya iyon lulan ng isang karwahe na hila ng mga kerubin.