1 Huwag kang manalig sa iyong kayamananat huwag mong sabihing, “Wala na akong kailangan.”
2 Huwag kang padadala sa labis na hangarin,na makamtan lamang ang gusto'y gagawin ang lahat.
3 Huwag mong sabihing wala kang kinikilalang kapangyarihan,sapagkat darating ang panahong paparusahan ka ng Panginoon.
4 Huwag mo ring sabihin, “Wala namang nangyari sa akin, matapos akong magkasala!”Dahil ang Panginoon ay hindi madaling magalit.
5 Huwag kang masanay sa paggawa ng kasalanandahil sa pag-asang lagi ka niyang patatawarin.
6 Huwag mong sabihin, “Walang katapusan ang kanyang habag.Patatawarin niya ako, gaano man karami ang aking kasalanan.”Sapagkat kung siya'y marunong maawa, marunong din siyang magalit,at ang kanyang galit ay nakatuon sa mga makasalanan.
7 Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon;huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya,sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti,at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa.