10 Magpakatatag ka sa iyong mga patakaran,at panindigan mo ang iyong sinabi.
11 Lagi kang manabik sa pakikinig,at maging maingat ka sa pagsagot.
12 Kung nauunawaan mo ang pinag-uusapan, sumagot ka;ngunit kung hindi, itikom mo ang iyong bibig.
13 Ang pananalita'y maaaring ikarangal o ikapahiya;ang dila ng isang tao'y maaaring ikapahamak niya.
14 Huwag kang pabalitang isang tsismoso,at huwag kang magkakalat ng balitang makakapinsala sa sinuman.Kung paanong ang mga magnanakaw ay mapapahiya,ang sinungaling naman ay kamumuhian.
15 Pag-ingatan mong huwag magkulang sa malaki o maliit mang bagay,at huwag kang maging kaaway sa halip ay manatiling isang kaibigan.