6 Huwag mong sabihin, “Walang katapusan ang kanyang habag.Patatawarin niya ako, gaano man karami ang aking kasalanan.”Sapagkat kung siya'y marunong maawa, marunong din siyang magalit,at ang kanyang galit ay nakatuon sa mga makasalanan.
7 Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon;huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya,sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti,at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa.
8 Huwag kang manalig sa kinamkam mong kayamanan,sapagkat hindi mo ito papakinabangan sa araw ng kapighatian.
9 Huwag mong basta-bastang pagbigyan ang lahat,at huwag kang sumang-ayon sa bawat sabihin ninuman.Ganyan ang gawa ng mga taong sinungaling.
10 Magpakatatag ka sa iyong mga patakaran,at panindigan mo ang iyong sinabi.
11 Lagi kang manabik sa pakikinig,at maging maingat ka sa pagsagot.
12 Kung nauunawaan mo ang pinag-uusapan, sumagot ka;ngunit kung hindi, itikom mo ang iyong bibig.