1 Si Simon, ang Pinakapunong Pari na nagpaayos ng Templo,at siya'y anak ni Onias,
2 siya ang naglagay ng mga pundasyon ng dinobleng muog,ang mataas na muog sa paligid ng Templo;siya rin ang naglagay ng mga tanggulan sa bahay ng Diyos.
3 Noon ding panahon niya hinukay ang tipunan ng tubig,na halos sinlaki ng Dagat na Tanso.
4 Sinikap niyang iligtas ang bayan mula sa pagkawasak,kaya't pinatibay niya ang mga tanggulan ng lunsod laban sa pananalakay ng kaaway.
5 Kay ganda niyang pagmasdan kapag siya'y naliligid ng mga tao,matapos lumabas sa Dakong Kabanal-banalan.
6 Parang bituing nakadungaw sa siwang ng mga ulap,parang buwang kabilugan sa mga araw ng kapistahan.