11 Kapag suot niya ang magara niyang damit,at nabibihisan ng maringal niyang kasuotan,pag-akyat niya sa mahal na dambana,nakadaragdag siya sa karilagan ng banal na lugar.
12 Kapag iniaabot sa kanya ang pinagbaha-bahaging handog,samantalang nakatayo siya sa tabi ng dambana,at naliligid ng kanyang mga kapwa pari,ang kawangis niya'y mayabong na sedar sa Lebanonna naliligid ng mga punong palma.
13 Ang mga anak ni Aaron ay nakapaligid sa kanya, suot ang mga sagradong kasuotan,hawak ang mga handog,at nakatayo sa harapan ng buong bayang Israel.
14 Kapag natapos niya ang pag-aalay sa dambanaat naiayos na ang mga handog sa Makapangyarihang Kataas-taasang Diyos,
15 hinahawakan ang saro ng alak,at ibinubuhos ito sa paanan ng dambana,bilang mabangong handog sa Kataas-taasang Diyos,sa Hari ng buong sanlibutan.
16 Nagsisigawan naman ang mga pari,at hinihipan ang kanilang mga trumpetang pilak;lumilikha sila ng malakas na ingay,upang marinig sila ng Kataas-taasang Diyos.
17 Pagdaka'y nagpapatirapa ang buong bayanbilang pagsamba sa Panginoon,sa Makapangyarihan sa lahat,sa Kataas-taasang Diyos.