14 Kapag natapos niya ang pag-aalay sa dambanaat naiayos na ang mga handog sa Makapangyarihang Kataas-taasang Diyos,
15 hinahawakan ang saro ng alak,at ibinubuhos ito sa paanan ng dambana,bilang mabangong handog sa Kataas-taasang Diyos,sa Hari ng buong sanlibutan.
16 Nagsisigawan naman ang mga pari,at hinihipan ang kanilang mga trumpetang pilak;lumilikha sila ng malakas na ingay,upang marinig sila ng Kataas-taasang Diyos.
17 Pagdaka'y nagpapatirapa ang buong bayanbilang pagsamba sa Panginoon,sa Makapangyarihan sa lahat,sa Kataas-taasang Diyos.
18 Nagkakantahan naman ang mga mang-aawit;ang masayang tinig ng papuri sa Diyos ay umaalingawngaw.
19 Samantala, ang bayan ay nananalangin sa Kataas-taasang Diyos,nagmamakaawa sa harapan ng mahabaging Diyos,hanggang sa matapos ang pagsamba sa Panginoon,at maganap ang pag-aalay ng mga handog.
20 Pagkatapos, nananaog si Simon mula sa dambanaat itinataas ang mga kamay sa karamihan ng tao,upang igawad sa kanila ang pagpapala ng Panginoon.